"Happy"ni Yani LeeMay kabigan ako. Ang pangalan niya ayHappy.Kayang-kaya niyang patawin kaming magkakaibigan; kayang kaya nya kami mapa-ngiti Lagi siyang naka-ngiti. Naabutan ko din sya minsan na naka earphone tapos nakatulala sa langit o di kaya sa malayo..So napatanong ako sa sarili ko, 'Bakit kaya lagi syang masaya?' 'Bakit kaya lagi siyang naka-earphone?'.Nasagot naman ang tanong ko.Last sunday nag punta kaming park after naming magsimba. Pagdating namin sa park, agad kaming umupo sa damuhan dahil malinis naman..Me: Psst, bili lang akong food natin ha?Happy: Sige..*sabay salpak ng earphone* After ko makita na nagsalpak na naman sya ng earphone nagkunwari akong umalis na pero ang totoo nagtago lang ako sa malapit na puno sapat na para matanaw ko siya... ang ekspresyon nya.Ayun na naman sya nakatulala sa langit...Tinitigan ko lang sya hangang sa nakita kong unti-unti ng tumulo ang luha nya. Walang ibang ekspresyon ang mukha nya kundi lungkot at sakit.Me:shh...*sabay yakap* ok lang yan, taha na..Happy:*tumingin sakin ng gulat sabay pahid ng luha*b-bakit? Akala ko ba bumili ka ng pagkain natin?Me: Ilabas mo na yan..Pagkasabi ko ng mga katagang yan, niyakap nya ako ng mahigpit. Umiyak lang sya hindi ako nagtanong kasi alam kong mas masasaktan lang sya. Pero nagulat ako nang mag salita sya..Happy: Ang sakit, ang sakit na sarili mong magulang sabihan ka ng malandi. Na lumalandi lang ako sa school, na bobo ako, na tanga ako, na ang kapal ng mukha ko, na wala kong kwenta. Tapos papatigilin pa nila ako sa hilig ko. Pakiramdam ko nasa isa akong kahon na hindi makawala dahil sa sobrang dilim sa loob at hindi ko alam ang labasan. Beh, hindi ko na sasabihin ang buong istorya ha? Drama ko na eh. Hahaha. Ampanget ko na tuloy! hahaha. Pero thank you kasi nabawasan din kahit papaano yung sakit, sakit na nakabaon dito sa puso ko. Peroalam mo bang gusto ko ng mamatay pero ayoko pa din kasi nandyan kayong mga kaibigan ko. Kailangan ko pa kayong pasayahin. Kasi makita ko lang kayong masaya masaya na din ako.After nyan, lalo kaming naging close. Napapag katiwalaan nya ako kasi pinapahiram nya pa sakin minsan account nya kahit ayoko. Kapag binubuksan ko account nya lagi kong napapansin yung account nya, I mean yung sarili nyang message sa sarili nya. Talagang ayaw nya na sa sarili niya, ayaw nya na talaga pero pinipili niyang mabuhay para saming mga kaibigan nya sa pangarap nya. Yan nalang ang dahilan kung bakit gusto nya pang mabuhay. Aang pangarap nya ay makapagtapos ng pag-aaral, makapag travel sa mundo, para naman daw masilayan nya ang gawa ng nakakataas. Kaya naman talagang proud ako sa kanya kasi nagagawa nya pang ngumiti kahit sobrang sakit nung nararamdaman nya deep inside; kaya nya paring magpangiti ng ibang tao tinatago niya yung sakit .na nararamdaman nya sa pamamagitan ng pagngiti pagtawa at pagpapasaya ng tao..Yun lang. Gusto ko lang ibigay pati ang messag ko para sa inyo. Kung may kilala kayong masayahin na tao, try nyo tumingin sa mata nila, makikita nyo ang sakit kasi kadalasan na nasa depression ay yung mga taong pala ngiti and ask them kung ok lang ba sila kasi some other people di talaga sila nag oopen.Thanks for Reading 😊Godbless 💟
0 comments:
Post a Comment